Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

Public Transport Tana Pamu

March 16, 2026

Hinikayat ni Mexico Mayor Rudencio “Ruding” Gonzales ang mga opisyal at empleyado ng lokal na pamahalaan na gumamit ng public transportation sa halip na magdala ng sariling sasakyan upang makatipid sa gasolina at makatulong sa gitna ng tumitinding krisis sa langis.

Ginawa ni Gonzales ang panawagan sa flag-raising ceremony ng pamahalaang bayan noong March 16, 2026.

Ayon sa alkalde, mahalagang makiisa ang mga kawani ng gobyerno sa mga hakbang na makatutulong upang mabawasan ang konsumo ng fuel, lalo na habang patuloy na tumataas ang presyo ng gasolina at diesel.

Ang panawagan ay kaugnay ng lumalalang tensyon sa Middle East na nagdulot ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado at nagbunsod ng malalaking fuel price hikes sa Pilipinas.

Sa kabila nito, tiniyak ng pamahalaan na may sapat pang suplay ng fuel sa bansa, ngunit nananatiling hamon ang pagtaas ng presyo dahil sa global market volatility.

Click here: https://www.facebook.com/share/p/1EJa5qAyoR/

Skip to content