Pundasyong Maka-Diyos at May Respeto: Apat na Magkasintahan, Pinag-isang Dibdib ni Mayor Ruding
Sa pangunguna ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales, apat na magkasintahan ang pinag-isang dibdib sa isang simpleng seremonya na ginanap sa tanggapan ng alkalde.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Ruding ang kahalagahan ng kababaang-loob, pagmamahal sa magulang, paggalang sa isa’t isa, at pakikitungo nang may respeto sa kapwa. Hinikayat din niya ang mga bagong kasal na panatiliin ang pagmamahalan at gawing sentro ng kanilang pagsasama ang Diyos bilang matibay na pundasyon ng pamilya.
Patuloy namang ipinapakita ni Mayor Ruding ang kanyang malasakit hindi lamang sa pagpapaunlad ng bayan kundi maging sa pagpapahalaga sa matatag at maka-Diyos na pamilyang Mexicano, sa pamamagitan ng pagbibigay ng payo at gabay na magsisilbing inspirasyon sa mga bagong mag-asawa sa kanilang panibagong yugto ng buhay.
#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/14Zkah93f99/







