Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

PURCHASING POWER NG MGA KAPAMPANGAN, KAMUSTA NA?

March 17, 2026

Apektado na umano ang buying power ng mga kabalen sa palengke ng Mexico, Pampanga. Ito ang ibinahagi ng ilang maliliit na retailer ng meryenda, kabilang si Aurora Dizon na matagal nang nagtitinda sa naturang pamilihan.
‎
‎Ayon kay Dizon, kapansin-pansin ang paghina ng kanilang benta nitong mga nakaraang linggo. Dati umano ay marami siyang inihahandang putahe, ngunit dahil sa tumal ng bentahan ay napilitan siyang bawasan ang kanyang menu upang maiwasan ang pagkalugi.
‎
‎Samantala, pinaghahandaan na umano ng lokal na pamahalaan ng Mexico ang posibleng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Bahagi ng kanilang plano ang pagsulong ng rice assistance para sa mga bulnerableng sektor.
‎
‎Batay sa ulat, nagkaroon ng emergency meeting ang Sangguniang Bayan at ang tanggapan ni Mayor Ruding Gonzales upang pag-usapan ang ₱50 milyong pondo mula sa surplus budget ng LGU.
‎
‎Layunin ng naturang pondo na mag-procure ng supply ng bigas na maaaring ipamahagi bilang ayuda sa mga residente ng Mexico. | via Paulo Gee Santos, CLTV36 News
‎
‎#PeopleOfPampanga
‎#CentralLuzonNews #CLTV36
‎#inflation

Click here: https://www.facebook.com/share/p/1CWwRWfw8b/

Skip to content