Hindi naging hadlang ang ulan upang maipagpatuloy natin ang ating Arangkada Dental Mission sa Barangay Concepcion. Maraming salamat sa lahat ng ating mga kabarangay na nakiisa at nagtiwala sa ating libreng serbisyong dental.
Masaya tayong makita na sa mas malawak na venue sa A.D.P. Multi-Purpose Hall, mas marami tayong napagsilbihan sa mas maayos at komportableng paraan. Patuloy nating ilalapit ang serbisyong pangkalusugan sa bawat barangay.
Tuwing Huwebes po ang ating Bayung Mexico Dental Mission sa A.D.P. Multi-Purpose Hall, Centro, Barangay Concepcion.
Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta. Kita-kits po tayo sa susunod na dental mission!