Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

Recalibration and Digitalization of Masterlist of Vulnerable Sectors

March 18, 2026

WATCH: Itinutulak ngayon ng lokal na pamahalaan ng Mexico, Pampanga ang recalibration at digitalization ng masterlist ng mga nasa bulnerableng sektor upang matiyak na ang ayuda ay makarating sa tunay na nangangailangan.
Ayon kay Mayor Ruding Gonzales, hindi na lamang iaasa sa barangay level ang pagbuo ng listahan ng mga benepisyaryo. Bahagi ng bagong sistema ang mas transparent na proseso ng verification, kabilang ang public posting at in-person validation ng mga aplikante.

Sa ilalim ng bagong mekanismo, aktibong magsasagawa ng evaluation ang mga social worker upang mas maging batay sa aktwal na kalagayan ng mamamayan ang pagbibigay ng tulong mula sa pamahalaan.

Nauna nang umarangkada ang monitoring sa mga pamilya ng OFWs sa Pampanga, habang inaasahan ding mabubuo ang hiwalay na masterlist para sa transport sector sa bayan.

Samantala, wala pang inilalabas na malinaw na detalye ang Mexico LGU hinggil sa eksaktong budget allocation mula sa Department of Social Welfare and Development, na nauna nang nagpatupad ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa NCR. | via Paulo Gee Santos, CLTV36 News
#CentralLuzonNews #CLTV36 #ayuda #Pampanga

Click here: https://www.facebook.com/share/p/17Jhm34K7n/

Skip to content