UPDATE: Patuloy po ang rehabilitasyon ng ating mga sapa sa Barangay Dolores Piring. Sa kasalukuyan, nasa ikalawang sapa na ang backhoe kung saan isinasagawa ang paglilinis at pagpapalalim bilang patuloy na paghahanda sa nalalapit na tag-ulan. Layunin nitong maiwasan ang pagbaha at mas mapabuti ang maayos na daloy ng tubig sa bayan.
Sa patnubay ng pamahalaang bayan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Ruding, kaakibat ng mga proyektong ito ang responsibilidad ng bawat Mexicano. Mahalaga ang disiplina sa tamang pagtatapon ng basura at malasakit sa kalikasan upang mapanatili ang mga solusyong ating sinimulan. Kapag sama-sama, mas tumitibay at nagtatagal ang kaunlaran. 💙
#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico




Click here: https://www.facebook.com/share/p/1bS3Wer7ia/