SA GABAY NI MAYOR RSG,ANIM NA PUSO ANG NAGBUKLOD
Pinangunahan ni Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales ang seremonya ng kasal na ginanap ngayong araw sa Mexico Mini-Convention Center, kung saan anim na magkasintahan ang pormal na nagbuklod bilang mag-asawa. Ang okasyon ay naging makahulugan sa pamamagitan ng mga payong nagbigay-diin sa pananampalataya, pagpapakumbaba, at pagpapahalaga sa pamilya.
Sa kanyang mensahe, binigyang-halaga ni Mayor Ruding ang paglalagay sa Diyos bilang sentro ng buhay mag-asawa at ang patuloy na pagsasabuhay ng pagpapakumbaba, anuman ang marating sa buhay. Ipinaalala rin niya na ang respeto sa isa’t isa at ang patuloy na pagmamahal sa mga magulang ay mahalagang pundasyon ng isang matatag at mapayapang pamilya.
Ang mga paalalang ito ay sumasalamin sa adbokasiya ni Mayor Ruding sa pagtataguyod ng matibay na pamilya bilang saligan ng isang maayos at nagkakaisang bayan.
#RSGCares
#BayungMexico




