Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

Sa kabila ng maulang panahon at suspensyon ng trabaho sa pamahalaan, ipinagpatuloy ni Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales ang isang mahalagang tungkulin ngayong araw, ang pag-iisang dibdib ng isang magkasintahan sa isang simple ngunit makahulugang seremonya sa kanyang tanggapan

August 10, 2026
Sa kanyang mensahe para sa bagong mag-asawa, binigyang-diin ng alkalde ang kahalagahan ng kababaang-loob at paggalang sa kapwa bilang pundasyon hindi lamang ng isang matatag na pagsasama, kundi maging ng isang makabuluhang buhay.
Hangad ni Mayor Ruding na makamit ng mag-asawa ang tagumpay sa kanilang buhay at sabay na manatiling mapagpakumbaba anuman ang kanilang marating. Aniya, sa lahat ng maaaring magbago sa mundo, ang Salita ng Diyos lamang ang nananatiling permanente.
Isang simpleng seremonya, ngunit puno ng makabuluhang paalala para sa isang bagong simula. 💍🤍

Click here: https://www.facebook.com/share/p/1M1HQTL1tK/

Skip to content