SA KABILA NG SUSPENSIYON, DALAWANG MAGKASINTAHAN IKINASAL SA TANGGAPAN NI MAYOR RUDING
Sa kabila ng suspensiyon ng on-site work ng munisipyo bunsod ng epekto ng Habagat, itinuloy ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales ang pagkasal sa dalawang magkasintahan sa kanyang tanggapan ngayong araw.
Sa kanyang mensahe para sa bagong mag-asawa, ibinahagi ni Mayor Ruding ang ilang aral mula sa kanyang mga karanasan sa buhay, partikular ang kahalagahan ng kababaang-loob sa kabila ng anumang tagumpay o narating sa buhay.
Binigyang-diin din ng alkalde ang kahalagahan ng paggalang sa isa’t isa bilang pundasyon ng isang matatag na pagsasama. Aniya, mahalagang manatili ang respeto sa bawat pagkakataon at gawing sentro ng relasyon ang Diyos.
Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, iniwan ni Mayor Ruding ang paalala na sa mundong patuloy na nagbabago, maraming bagay ang maaaring lumipas, ngunit ang Salita ng Diyos ang mananatiling gabay at sandigan ng isang pamilya.
Patunay ito na ang serbisyong may puso ay patuloy na naipagkakaloob, lalo na sa mga mahahalagang sandali ng buhay ng bawat Mexicano.
#RSGCares Add Photo Gallery
#BayungMexico
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/18JYrxpyTc/