Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

SA PAMUMUNO NI MAYOR RUDING, PATULOY ANG PAG IIKOT NG MGA HEAVY EQUIPMENT PARA SA PAGLILINIS AT PAGPAPALALIM NG MGA DALUYAN NG TUBIG SA BAYAN

May 26, 2026

Patuloy na umiikot sa iba’t ibang barangay ng Mexico ang mga heavy equipment ng pamahalaang bayan upang magsagawa ng paglilinis at pagpapalalim ng mga daluyan ng tubig na mahalaga sa mga sakahan. Sa pagkakataong ito, isinasagawa ang operasyon sa Barangay San Antonio bilang bahagi ng tuloy-tuloy na suporta sa sektor ng agrikultura.
Sa pangunguna ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales, tinitiyak na naaabot ng mga programa at serbisyo ang mga komunidad na umaasa sa pagsasaka bilang pangunahing kabuhayan. Layunin ng gawaing ito na mapabuti ang daloy ng patubig upang makatulong sa mas maayos na produksyon at mas masaganang ani ng ating mga magsasaka.
Ipinapakita rin nito ang patuloy na pagkilos ng administrasyon ni Mayor Ruding upang tugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka at mapanatiling matatag ang sektor ng agrikultura sa bayan.
Sa bawat paglilinis ng daluyan ng tubig, kasabay ding pinalalakas ang kabuhayan ng mga pamilyang Mexicano.
#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1bYszrmbxu/

Skip to content