Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

SAMA SAMA SA KALINISAN AT KALIGTASAN

November 28, 2025

Matapos ang matagumpay na paglilinis sa sapa ng Barangay San Vicente, natapos na rin po natin ngayong linggo ang sampung araw na paglilinis sa sapa ng Barangay Santa Cruz, kung saan ating nalinis ang mahabang sapa ng barangay.
Paalala po sa ating mga kababayang Mexicanos: panatiliin po natin ang disiplina sa tamang pagtatapon ng basura. Iwasan po nating ihulog ang mga ito sa mga sapa o sa mga lugar na maaaring magdulot ng pagbabara ng daloy ng tubig. Ang simpleng paglalagay ng basura sa tamang lalagyan ay malaking hakbang upang maiwasan ang mabilisang pagbaha, lalo na sa panahon ng pag-ulan.
Sama-sama po tayong kumilos para sa isang mas malinis, mas ligtas, at mas maayos na kapaligiran.
Maraming salamat po.

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1ABtFfkN13/

Skip to content