Selected Mercury Drug Branches sa Bansa, Tumatanggap na ng DSWD Guarantee Letter!
June 23, 2026
Isa pang magandang balita para sa mga benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS)! Mas pinadali at pinalawak pa natin ang pagkuha ng gamot dahil maaari na ring gamitin ang DSWD Guarantee Letter (GL) sa mga piling Mercury Drug branches sa buong bansa.
Hanapin lamang ang signage na “DSWD Guarantee Letter is accepted here” sa mga participating branches na malapit sa inyong lugar para magamit ang inyong GL sa pagkuha ng kinakailangang gamot.
Ang DSWD Guarantee Letter ay isang opisyal na dokumento na nagsisilbing garantiya sa pagbabayad para sa mga gamot at iba pang serbisyong saklaw ng tulong ng DSWD para sa mga kwalipikadong kliyente.
Para sa kumpletong listahan ng mga participating Mercury Drug branches, tingnan ang mga detalye sa ibaba.