Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

SERBISYONG TULOY-TULOY! August 3, 2026,

August 4, 2026
Ngayong Lunes, August 3, 2026, sa kabila ng walang tigil na ulan, muling binuksan ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales ang kanyang tanggapan para personal na makaharap ang mga Mexicanong may mga kahilingan, suliranin, at pangangailangan.
Isa-isang pinakinggan ng alkalde ang bawat lumapit, mula sa paghingi ng medical at financial assistance hanggang sa iba pang usaping nangangailangan ng agarang atensyon at suporta ng lokal na pamahalaan.
Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Ruding, nananatiling bukas ang Office of the Mayor para sa lahat, na may layuning makapaghatid ng maagap, patas, at makataong serbisyo. Patunay ito ng kanyang patuloy na paninindigan na ang mabuting pamamahala ay nagsisimula sa pakikinig, agarang pagtugon, at taos-pusong paglilingkod sa bawat Mexicano.

Click here: https://www.facebook.com/share/p/1BewNhBe5Q/

Skip to content