SERBISYONG WALANG KULAY: 210 MEXICANOS TUMANGGAP NG TULONG
August 14, 2026
MEXICO, PAMPANGA — Umabot sa 210 Mexicanos ang nakatanggap ng financial assistance para sa kanilang gastusing medikal at burial assistance mula sa Lokal na Pamahalaan ng Mexico sa ilalim ng pamumuno ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales, katuwang si Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan at ang buong Sangguniang Bayan.
Hindi bababa sa ₱10,000 ang burial assistance na ipinagkaloob sa mga kwalipikadong benepisyaryo bilang tulong sa mga pamilyang humaharap sa gastusin matapos ang pagpanaw ng kanilang mahal sa buhay.
Kasama ni Mayor Ruding sa payout si Councilor Engr. Tristar Sotto, na nakiisa sa paghahatid ng tulong sa mga benepisyaryo.
Kasabay nito, 104 senior citizens ng bayan ang nakatanggap ng kanilang 2nd at 3rd Quarter Social Pension mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), na nagkakahalaga ng ₱3,000 kada quarter o kabuuang ₱6,000 para sa dalawang quarter.
Binigyang-diin ni Mayor Ruding ang hangarin ng Lokal na Pamahalaan na mapalawak pa ang tulong para sa mga senior citizens. Gayunman, ang social pension ay nakadepende sa pondong inilaan ng national government, kaya hindi pa posible sa kasalukuyan na lahat ng senior citizens ay makatanggap nito kada quarter.
Sa kabila nito, patuloy ang Lokal na Pamahalaan ng Mexico sa paghahatid ng mga programang tumutugon sa pangangailangan ng mga Mexicanos mula sa tulong medikal at burial assistance hanggang sa mga programang pangkapakanan para sa senior citizens.
Sa pamumuno ni Mayor Ruding Gonzales, katuwang si Vice Mayor Doc Pangan at ang buong Sangguniang Bayan, patuloy na isinusulong ang serbisyong bukas sa lahat, walang pinipiling kulay, at nakatuon sa kapakanan ng bawat Mexicano.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/183BdEXuSu/