BASAHIN | Sa inisyatibo ni Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales, sinimulan na ang paglilinis at pagpapalalim ng sapa sa Barangay Anao na matagal nang naapektuhan ng naipong basura.
Ang gawaing ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Bayan ng Mexico, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Ruding, na pangalagaan ang kapaligiran at maiwasan ang pagbaha.
Kasabay nito, pinaaalalahanan natin ang mga Mexicano na pairalin ang disiplina at wastong pagtatapon ng basura, sapagkat ang kaayusan at kaligtasan ng bayan ay nakasalalay sa sama-samang responsibilidad.
#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/17x4vnnjpS/



