Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

SOON-TO-OPEN KFC MEXICO BRANCH

July 30, 2025

Bumisita ngayong araw, ika-30 ng Hulyo, ang mga kinatawan ng KFC Mexico Bayan sa tanggapan ni Mayor Rodencio “Ruding” Gonzales para sa isang courtesy visit bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng kanilang bagong branch sa bayan.
Sa nasabing pagbisita, personal nilang inimbitahan si Mayor Ruding Gonzales upang dumalo sa kanilang opisyal na opening sa darating na Agosto 5, 2025.
Samantala, iminungkahi naman ng alkalde na sana’y mabigyan ng pagkakataon ang mga estudyante at senior citizens na makapagtrabaho bilang part-time employees sa kanilang bagong branch. Aniya, ito ay bahagi ng kanyang adbokasiya na mabigyan ng kabuhayan at karanasang propesyonal ang iba’t ibang sektor ng lipunan, lalo na ang mga kabataan at nakatatanda.
#RSGCares
#BayungMexico

Please click link for more information:
https://www.facebook.com/share/p/1JjfFuQcdC/

Skip to content