Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

SPES BATCH 2 PAYOUT

December 17, 2025

Pinangunahan ni Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales ang pamamahagi ng payout sa 51 benepisyaryo ng Special Program for Employment of Students (SPES) na ipinatupad ng Public Employment Service Office (PESO) sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Tumanggap ang bawat estudyante ng kabuuang PHP 11,070.00 bilang kabayaran sa kanilang 20 araw na pagtatrabaho, kung saan 60% o PHP 6,642.00 ay mula sa Lokal na Pamahalaan at 40% o PHP 4,428.00 naman ay mula sa DOLE. Pinangunahan ang programa nina PESO Manager Romeo Tiglao katuwang ang DOLE.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Ruding sa mga estudyante na gawin ang kanilang assignment na mag-aral nang mabuti, habang gagawin naman ng alkalde ang kanyang assignment na humanap at lumikha ng mas maraming oportunidad para sa kapakanan at kinabukasan ng mga ito. Ipinahayag niya rin ang patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa edukasyon bilang isa sa kanyang mga prayoridad at kabuhayan ng kabataang Mexicano bilang puhunan sa isang mas maunlad na bayan.

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/17qhe3CSBN/

Skip to content