TAPOS NA: PAGLILINIS AT PAGPAPALALIM NG SAPA SA BARANGAY BUENAVISTA
August 17, 2026
Matagumpay nang natapos ang paglilinis at pagpapalalim ng mga sapa sa Barangay Buenavista upang mapabuti ang daloy ng tubig at makatulong sa pagbawas ng panganib ng pagbaha, lalo na sa panahon ng malalakas na pag-ulan.
Isinagawa ang clearing at desilting matapos mapuno ng mga halaman, kawayan, basura, at naipong debris ang mga daluyan ng tubig na maaaring maging sanhi ng pagbabara.
Sa pangunguna ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales, katuwang si Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan at ang buong Sangguniang Bayan, patuloy na isinusulong ang mga konkretong hakbang para sa mas ligtas na komunidad at mas protektadong mga sakahan.