Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

THE CLASH TEENS 2026

June 17, 2026

🌟🎤
Nagbigay ng courtesy visit kay Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales si Clowy Bingcang Tiglao ng Barangay Pandacaqui, matapos mapabilang sa Top 24 Finalists ng GMA Network’s The Clash Teens 2026.
Kasama ni Clowy sa pagbisita si Barangay Kagawad George Kashiouris ng Barangay Pandacaqui.
Ipinahayag ni Mayor Ruding ang kanyang suporta sa batang mang-aawit na patuloy na nagbibigay inspirasyon at karangalan sa mga Mexicano sa pamamagitan ng kanyang talento at pagsisikap.
Inaanyayahan ang lahat ng mga Mexicano na abangan at suportahan ang mga susunod na pagtatanghal ni Clowy sa The Clash Teens 2026. Isang karangalan para sa Bayan ng Mexico na makita ang isa nating kababayan na buong tapang na ipinapakita ang kanyang talento sa pambansang entablado.
Good luck, Clowy! Buong Mexico ang sumusuporta sa iyo. 🎶✨
#RSGCares
#BayungMexico

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1EKbBniJNC/

Skip to content