Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

THE LONG WAIT IS OVER

December 19, 2025

Sa wakas, tuloy na ang College Educational Assistance Payout – Batch 2, ang isa sa mga priority programs ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico sa ilalim ng liderato ni Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales, kasama sina Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan.

December 20, 2025 (Saturday)
Call Time: 1:00 PM
Payout Proper: 2:00 PM – 6:00 PM
Mexico Mini-Convention Center

Batch 2 Barangays:
Dolores Piring, Laug, San Carlos, San Lorenzo, San Nicolas, San Pablo, San Patricio, San Roque, Santa Maria, Santo Domingo, Santo Rosario, Balas

Ang mga benepisyaryo mula sa mga nabanggit na barangay ay maaaring tingnan ang kanilang pangalan, beneficiary number, at paymaster number sa listahang naka-upload sa ibaba at siguraduhing tandaan ang mga ito para sa maayos at mabilis na payout.

Mga Paalala:

Ang benepisyaryo ay kailangang magdala ng school ID o anumang valid ID.

Kung may magke-claim para sa benepisyaryo, siguraduhing immediate family member, at magdala ng:

Authorization letter

Photocopy ng ID ng benepisyaryo

ID ng magke-claim

Proof of relationship sa benepisyaryo

Patuloy ang malasakit ng Pamahalaang Bayan ng Mexico sa edukasyon ng kabataang Mexicano sa pamumuno nina Mayor Ruding Gonzales, Vice Mayor Doc Pangan, at ng buong Sangguniang Bayan.

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/17gLBDacZ5/

Skip to content