TIGNAN: Namahagi ng 15 wheelchairs ang Lokal na Pamahalaan ng Mexico ngayong araw
July 30, 2025
TIGNAN: Namahagi ng 15 wheelchairs ang Lokal na Pamahalaan ng Mexico ngayong araw, ika-30 ng Hulyo, sa Mexico Mini-Convention Center sa pangunguna nina Mayor Rodencio “Ruding” Gonzales at Vice Mayor Dr. Jonathan “Doc” Pangan.
Kasama din sa pamamahagi sina Councilor Vince Balajadia at Councilor Allaine Ramos.
Ang programang ito ay patunay ng patuloy na malasakit at suporta ng administrasyong Gonzales para sa mga kababayan nating may sakit at may kapansanan, bilang bahagi ng adhikain nitong maging mas inklusibo at maayos ang serbisyong panlipunan sa bayan.
#RSGCares
#BayungMexico