TULOY-TULOY ANG FLOOD MITIGATION SA MGA BARANGAY
Alinsunod sa patuloy na direktiba ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales na mailapit ang mahahalagang serbisyo sa bawat barangay, matagumpay na naisagawa ang paghuhukay at pagpapalalim ng sapa sa Barangay Santo Rosario na matatagpuan malapit sa Santo Rosario Elementary School. Katuwang ni Mayor Ruding sa pagpapatuloy ng programang ito si Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan at ang buong Sangguniang Bayan.
Isinagawa ang paglilinis at pagpapalalim ng naturang daluyan ng tubig upang matugunan ang matagal nang suliranin ng pagbaha sa lugar na dulot ng pagbabara ng sapa. Layunin ng proyektong ito na mapabuti ang daloy ng tubig, mabawasan ang panganib ng pagbaha, at maprotektahan ang mga mag-aaral, residente, at mga kalapit na komunidad.
Patuloy na iikutin ng mga heavy equipment ng munisipyo ang iba’t ibang barangay upang tugunan ang mga pangangailangan ng komunidad. Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Ruding, nananatiling malinaw ang layunin—serbisyong mabilis, tuloy-tuloy, at walang pinipiling barangay para sa bawat Mexicano.
#RSGCares
#BayungMexico
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/18rfw1CtCL/




