TULOY-TULOY ANG PAGPAPALAKAS SA SEKTOR NG AGRIKULTURA ๐พ๐๐ง
Patuloy na isinusulong ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico, sa pangunguna ni Municipal Mayor Rodencio โRudingโ S. Gonzales, ang mga programang magpapalakas sa sektor ng agrikultura at magbibigay ng direktang suporta sa ating mga magsasaka.
Kasalukuyan nang sinimulan sa Barangay San Jose Matulid ang paglilinis at pagpapalalim ng mga daluyan ng tubig upang matiyak ang mas maayos na daloy ng patubig para sa mga sakahan sa lugar. Layunin nito na mapabuti ang suplay ng tubig na mahalaga sa masaganang ani at tuloy-tuloy na produksyon ng mga magsasaka.
Sa ilalim ng liderato ni Mayor Ruding, mas pinaigting ang mga hakbangin para sa agrikultura bilang bahagi ng kanyang pangakong unahin ang kapakanan ng mga magsasaka at patuloy na paunlarin ang kabuhayan sa mga komunidad.
Patunay ito na sa administrasyon ni Mayor Ruding, hindi lamang proyekto ang naihahatid kundi tunay na serbisyong may malasakit para sa mga taong nagsisilbing haligi ng food security at kaunlaran ng Bayan ng Mexico.
#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico
Click Here:https://www.facebook.com/share/p/1DUAUGriHQ/
Latest Stories