TULOY-TULOY ANG PAGPAPALALIM NG MGA DALUYAN NG TUBIG SA MGA BARANGGAY
June 28, 2026
Sa patuloy na direktiba ni Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales na mailapit ang mga pangunahing serbisyo sa bawat barangay, matagumpay na natapos ang paglilinis at pagpapalalim ng daluyan ng tubig sa Barangay San Miguel gamit ang mga heavy equipment ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico. Katuwang ni Mayor Ruding sa pagpapatuloy ng programang ito si Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan at ang buong Sangguniang Bayan.
Bahagi ito ng tuloy-tuloy na inisyatiba ng pamahalaang bayan na mapabuti ang mga daluyan ng tubig sa iba’t ibang barangay upang makatulong sa pag-iwas sa pagbaha, mapanatili ang maayos na irigasyon, at masuportahan ang kabuhayan ng ating mga magsasaka at mga residente.
Patuloy na iikutin ng mga heavy equipment ng munisipyo ang iba’t ibang barangay upang matugunan ang mga pangangailangan ng komunidad. Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Ruding, nananatiling malinaw ang layunin, serbisyong mabilis, tuloy-tuloy, at walang pinipiling barangay para sa bawat Mexicano.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1HJxCcG9cr/
Latest Stories



