TULUY-TULOY ANG PAGLILINIS AT PAGHUHUKAY NG DALUYAN NG TUBIG SA BARANGAY SAN JOSE MALINO
August 7, 2026
Sa kabila ng tuloy-tuloy na pag-ulan, hindi humihinto ang Lokal na Pamahalaan ng Mexico sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong maprotektahan ang mga komunidad laban sa pagbaha.
Sa pangunguna nina Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales at Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan, kasama ang buong Sangguniang Bayan, patuloy ang operasyon ng isa sa mga heavy equipment ng lokal na pamahalaan sa Barangay San Jose Malino upang hukayin at linisin ang mga daluyan ng tubig kabilang na ang mga kanal.
Layunin ng gawaing ito na alisin ang mga naipong putik at iba pang bara sa mga daluyan ng tubig upang mabawasan ang panganib ng pagbaha, lalo na ngayong panahon ng malalakas na pag-ulan, at mapanatiling ligtas ang mga residente.
Patunay ito ng maagap at tuloy-tuloy na pagkilos ng administrasyon ni Mayor Ruding sa pagpapatupad ng mga konkretong solusyon para sa kaligtasan, kaayusan, at kapakanan ng bawat Mexicano.
Hindi humihinto ang serbisyo. Hindi tumitigil ang pagkilos. Sama-sama para sa mas ligtas at mas maunlad na Bayung Mexico.
Click here: https://www.facebook.com/share/p/1DRwjj2GCA/