Mayor Ruding Gonzales, inatasan ang mga barangay na mag monitor at magsumite ng kumpletong ulat ng mga negosyo at warehouses sa kani kanilang lugar.
Ang direktiba ay inilabas ng alkalde matapos mabisto ng lokal na pamahalaan ang isa nanamang warehouse sa Barangay San Jose Malino, na sangkot umano sa paggawa ng illegal na sigarilyo.
Ayon kay Engr. Emer Bondoc, LGU building official, dalawa sa apat ng warehouse sa compound ay wala umanong permit sa barangay. | via Jim Jim Hipolito


Click here: https://www.facebook.com/share/p/1HAgi9TvXx/