Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

UPDATE | TAPOS NA!

August 3, 2026

Natapos na ang paglilinis at pagpapalalim ng sapa sa Barangay San Antonio.
Sa pamamagitan ng proyektong ito ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico sa pangunguna ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales, katuwang si Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan at ang buong Sangguniang Bayan, mas mapapabuti na ang daloy ng tubig, mababawasan ang posibilidad ng pagbaha, at mas magiging maayos ang irigasyon ng mga sakahan.
Isa na namang konkretong hakbang para sa mas ligtas na komunidad at mas matatag na suporta sa ating mga magsasaka.
Maraming salamat sa pakikiisa at suporta ng ating mga kababayan habang isinasagawa ang proyekto.
Tuloy-tuloy ang pagkilos para sa mas maunlad na Bayung Mexico.
#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico

Click Here:https://www.facebook.com/share/p/19K5jSH7R5/

Skip to content