Sa pangunguna ni Mayor Ruding Santos Gonzales, nananawagan ang Lokal na Pamahalaan ng Mexico sa mga indibidwal, organisasyon, at pribadong kumpanya na maaaring magpahiram ng mga sumusunod:
• Rescue trucks
• Rescue boats
• 4×4 vehicles
• Iba pang sasakyang maaaring gamitin sa rescue
• Life vests
Kailangan din ang tulong ng mga bihasang driver at boat operator.
Naka-deploy na ang mga rescue vehicle ng ating LGU upang matugunan ang dumaraming rescue at evacuation requests.
Kung mayroon kayong kagamitan o kakayahang tumulong, agad na makipag-ugnayan sa Mexico MDRRMO:
(045) 435-4405
0970-824-8622
Ang mabilis ninyong pagtugon ay makatutulong upang mailikas at mailagay sa ligtas na lugar ang ating mga kababayang Mexicano.