WALANG PASOK | OCTOBER 5, 2026 📢 | HAPPY WORLD TEACHERS’ DAY! 🍎📚❤️
October 4, 2026
Sa bisa ng kautusan ni Mayor Ruding Santos Gonzales, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Mexico bukas, October 5, 2026, bilang pakikiisa sa World Teachers’ Day.
Alinsunod sa Republic Act No. 10743, idineklara ang October 5 bilang National Teachers’ Day upang kilalanin ang mahalagang papel ng mga guro sa pag-unlad ng bansa.
Ang suspensyon ay nagbibigay ng pagkakataon sa ating mga guro na makapagpahinga at makilahok sa pagdiriwang.
Maraming salamat sa inyong tiyaga, malasakit, at paghubog sa kinabukasan ng ating kabataan.