Sa gitna ng pamamahagi ng Financial Assistance Program, ipinaliwanag ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales kung bakit limitado pa ang bilang ng mga benepisyaryong nabigyan ng tulong sa payout ngayong araw. Kasabay nito, ibinahagi niyang humiling siya ng supplemental budget upang mas marami pang mga Mexicano ang mapagkalooban ng tulong.
Sa ngayon, aprubado na ang supplemental budget sa suporta ni Vice Mayor Doc Pangan at ng buong Sangguniang Bayan, isang patunay ng kanilang pagkakaisa at iisang hangarin na mapalawak pa ang serbisyong naipagkakaloob sa mga Mexicano.
Binigyang-diin din ni Mayor Ruding na sa kanyang pamumuno, walang pinipili ang serbisyo. Bukas ang tanggapan ng alkalde para sa lahat ng Mexicano, at walang sinuman ang kailangang dumaan sa padrino upang mapakinggan at mapaglingkuran.
Panoorin ang buong mensahe ni Mayor Ruding at alamin ang kanyang paninindigan para sa isang pamahalaang bukas, patas, at tunay na naglilingkod sa bawat Mexicano.
#RSGCares
#BayungMexico
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/r/19EHByrAfu/