Personal na iniabot ni Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales ang financial subsidy mula sa Lokal na Pamahalaan ng Mexico kay Ms. Allind Marey Hipolito ng Barangay San Nicolas para sa kanyang naging partisipasyon at pag-representa sa Bayan ng Mexico sa nagdaang Mutya Ning Kapampangan 2025.
Ayon kay Mayor Ruding, ang pagkapanalo ni Ms. Hipolito bilang First Runner-Up sa Best in Local Costume ay nagbigay karangalan sa Bayan ng Mexico at nagpapatunay ng galing at talento ng kabataang Mexicano.
Naging posible ang pagbibigay ng subsidy kay Ms. Hipolito sa pamamagitan ng pagtutulungan ni Mayor Ruding Gonzales at ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Doc Pangan.
Kasama sa simpleng seremonya sina Municipal Administrator Engr. Nestor S. Pineda at Acting Tourism Officer Michael Angelo Panlilio, bilang suporta ng lokal na pamahalaan sa kabataan at sa pagpapalakas ng kultura at turismo sa bayan.



CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/16FviPkcUM/